Tuesday, September 15, 2009

Tiny babbols...

So, a-kinse di ba?

Nakakatawa. May nag-text pa. "O ano p're? Kelan ba 'ko makakatikim ng katas ng tseke mo?"

Wahahahaha. Eep it wer nat sow trajik, eet wud ektweli bee panneh. Eep.

Ang totoo n'yan e wala pa mang sumasayad na papel sa akingmga sabik na palad e, waheheheheheheheheh... ubos na po iyon.

And'yang pam'bayad ng ilaw. And'yang pam'bayad ng talepano. And'tang pambayad ng edukasyon ng aming mga pinakamamahal na mga anakis. At s'yempre, hindi p'wedem'pabayaan si Anit. At si Ayuk. At si Beetee. At si Seepee.

At kung anu-ano pang mga nauna nang mga pinagkalustayan ng mga pinangarap-ngarap na pananalaping kay tagal na pinagsikapa't pinagtiyagaang kitain.

Na ngayo'y nagmistulang bula.

Kanina lamang, kay ganda-gandang lumulutang-lutang sa ere. Kay sarap pagmasdan habang tinatamaan ng sikat ng ginintuang araw na, dahil dito'y tila nababalutan siya ng kumikinang na kumot ng 'san'libo't 'san'laksang kulay.

Napakamakulay. Napakasarap pagmasdan. At sundan ng tingin. Ayun...kumukutikutitap!

At... > POP! < tumama sa pader.

Wala na.

Basiliooooooooo........ Crispiiiiiiiiiiiiiiiiin........

0 comments: